Photo courtesy of LGU - Alaminos City,
Isinagawa sa Alaminos City, Pangasinan ang rescue operation para sa mga residenteng hindi makalabas ng kanilang mga tahanan dahil sa pagbaha na dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Naisagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Alaminos City Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), at mga kawani ng barangay.
Nagsagawa rin ng forced evacuation sa mga residenteng naninirahan sa mga low-lying area na nanganganib na maapektuhan ng patuloy na pagtaas ng tubig.
Bahagi ang mga operasyon ng disaster response ng lokal na pamahalaan bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Southwest Monsoon o Habagat. Hinikayat ang mga residente na manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na anunsiyo, makipagtulungan sa mga responder, at agad na lumikas kung kinakailangan.