Naging mapayapa at maayos ang paggunita ng Undas 2026 sa lungsod ng Maynila matapos walang maitalang malalaking insidente sa seguridad.
Ayon sa Manila Police District (MPD), naging bahagi ng kanilang seguridad ang pagdedestino ng mga pulis, pagtatayo ng Police Assistance Desks at mahigpit na pagbabantay sa Manila North at South Cemeteries.
Nagsagawa rin ng regular na foot patrol ang mga pulis at tuloy-tuloy na CCTV monitoring mula sa kanilang mga command post.
Ayon sa MPD, nakatulong ang koordinasyon ng pulisya, lokal na pamahalaan at emergency response teams upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng mga bumisita sa mga sementeryo nitong Undas.