Ikinokonsidera ng Department of Energy (DOE) ang special green energy auction para sa floating solar projects.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, makatutulong ito para mabawasan ang water evaporation sa gitna na rin ng pag-iral ng El Niño.
Aniya, titingnan ng ahensya ang potential sites sa ilalim ng National Power Corporation at iba pang dam areas kung saan papayagan ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga proyekto.
Sa ilalim ng Green Energy Auction program, makikipag-kompetensya ang renewable energy developers sa pamamagitan ng pag-alok ng presyo ng mas mababa sa reserve prices na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Isinulong din ng DOE ang magkahiwalay na auction rounds para sa iba pang renewable energy technologies.