Kumpiyansa ang Philippine National Police National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) sa malaking ibinaba ng naitalang krimen sa naging paggunita ng Undas sa Metro Manila.
Sa panayam ng Bangon, Bayang Mahal kay NCRPO Chief of Regional Public Information Office Police Lieutenant Col. Hazel Asilo bagamat wala silang eksaktong numero ay makikita na bumaba talaga ang bilang ng petty crimes sa Undas 2026.
Kapansin-pansin din sa kanilang security coverage na walang naitalang anumang insidente sa mga sementeryo na isang malaking senyales na mas disiplinado na ang publiko.
Bagamat may mga nakumpiska pa ring mga ipinagbabawal na gamit sa mga dumalaw sa sementeryo ay nakapagtala rin naman ito ng pagbaba.
Ikino-konsidera ng NCRPO na generally peaceful sa kabuuan ang naging paggunita ng Undas 2026.