DSWD
Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na sapat ang relief supplies nito para sa mga Local Government Unit na apektado ng mga nagdaang bagyo at kasalukuyang weather disturbances.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, may 4,228,458 family food packs (FFPs) ang national stockpile ng ahensya na nakakalat sa 1,000 warehouse sa buong bansa.
Patuloy din ang repacking at production ng FFPs sa Luzon at Visayas Disaster Resource Centers upang mapanatiling sapat ang suplay para sa mga nangangailangan.
Batay sa DROMIC report noong August 18, umabot na sa mahigit P717.44 milyon ang halaga ng tulong na naipamahagi ng DSWD, kabilang ang mahigit isang milyong food packs.
Patuloy namang tumatanggap ang ahensya ng augmentation requests mula sa mga LGU, na siyang responsable sa distribusyon ng relief goods sa mga residente.
Samantala, 12,194 pamilya o 42,203 indibidwal ang kasalukuyang nasa 461 evacuation centers sa ilang rehiyon.
Tiniyak ng DSWD na patuloy nitong susuportahan ang mga apektadong pamilya alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Rey Ferrer