Hinikayat ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang mga magulang na pakatutukang maigi ang kanilang mga anak at ibigay sa mga ito ang ibayong suportang higit nilang kinakailangan.
Ito ang inihayag ng kalihim kasunod ng kaniyang pagbisita sa Zamboanga City para personal na alamin ang sitwasyon.
Upang tugunan ang mga suliranin sa seguridad, tataasan ng Philippine National Police (PNP) ang Police visibility sa paligid ng mga paaralan, habang itatalaga naman ang mga barangay tanod upang magpatupad ng karagdagang seguridad, lalo na sa mga paaralang walang security guard.
Nanawagan din siya sa buong komunidad na magpatupad ng whole-of-nation approach para sa kaligtasan sa mga kampus at sa kapakanan ng kabataan.
Kailangan din aniyang palawakin ang mga socio-emotional learning at mental health initiatives sa lahat ng paaralan, kasabay ng kasalukuyang pagbibigay ng psychosocial support interventions ng unibersidad sa mga apektadong indibidwal.
📸 DepEd

