Muling kinansela ng Sandiganbayan Third Division ang nakatakdang pagdinig ngayong Huwebes sa mosyon kaugnay ng kaso ni Senador Rodante Marcoleta.
Kasunod ito ng panibagong work suspension dahil sa patuloy na epekto ng masamang panahon.
Ni-reset na ang pagdinig sa September 3, 2026, alas-8:30 ng umaga, kasabay ng unang araw ng bail hearings sa plunder case.
Si Marcoleta ay nahaharap sa reklamong plunder sa ilalim ng Republic Act No. 7080 o Anti-Plunder Act, na nagtatakda ng preventive suspension sa mga opisyal na nahaharap sa ganitong kaso.
Matatandaang noong August 3, naghain si Marcoleta ng kanyang manifestation para tutulan ang pag-iisyu ng preventive suspension laban sa kanya bilang senador.