Tinitingnan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may nangyari bang iregularidad sa paggagawad ng parangal gayundin ng promosyon sa ilang miyembro ng kanilang Reserve Force.
Ito’y makaraang umani ng kaliwa’t kanang reaksyon at pagbatikos si dating Representative Michael Romero na mas marami pang mga nakasabit na medalya sa kaniyang uniporme bilang reservist ng Philippine Air Force kaysa kay AFP Chief of Staff Antonio Nafarrete Jr.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxes Trinidad, kanilang tutugunan ang kahit anong paglabag batay na rin sa mga umiiral na patakaran.
Una rito, nagsagawa na rin ng pagrepaso ang Air Force sa mga polisiya at iginiit na suportado dapat ng dokumento ang bawat medalya, parangal, at badges na ibinibigay sa mga miyembro ng kanilang hanay.
