Tinawag ni Prosecution Adviser Robert Ace Barbers na “misplaced” o mali ang pananaw ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa usapin ng transparency sa mga ahensya ng gobyerno.
Reaksyon ito ni Barbers matapos ireklamo ng Bise Presidente na tila “sine-single out” o pinag-iinitan siya ng Palasyo nang ianunsyo ng Malacañang sa publiko ang kanyang planong biyahe patungong Japan—na kalaunan ay kinansela base sa inilabas na statement ng OVP.
Giit ni Barbers, walang mali sa ginawa ng Malacañang dahil layunin lamang nitong maging transparent sa publiko.
Ikinumpara rin niya ito sa mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na palagi rin namang inaanunsyo bago umalis ng bansa.
Muling binigyang-diin ng dating mambabatas ang kontrobersya sa timing ng nakanselang biyahe ni VP Sara, na naganap sa gitna ng matinding pagbaha at delubyong kinakaharap ng bansa.