Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Daraga na isang 94-anyos na lola ang nasawi sa naganap na sunog dakong alas-1:18 ng madaling araw ngayong Agosto 20, 2026, sa Purok 3, Barangay Tagas, Daraga, Albay.
Ayon sa initial report ng BFP, idineklarang Fire Under Control ang sunog alas-1:46 ng madaling araw at Fire Out naman alas-1:53.
Anim na katao ang nakaligtas sa loob ng bahay, kabilang ang tatlong babae at tatlong lalaki.
Dalawang aso rin ang naiulat na na-trap sa loob ng bahay.
Samantala, isang kotse ang napinsala habang isang motorsiklo naman ang tuluyang nasira dahil sa sunog.
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at ang kabuuang halaga ng pinsala.