Nakipagdayalogo si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino sa NAGKAISA! Labor Coalition upang talakayin ang sahod, karapatan ng mga unyon, at contractualization.
Pinangunahan ni NAGKAISA! Labor Coalition Chairperson Atty. Jose Sonny Matula ang grupo na nagpahayag ng suporta sa ginawang hakbang ng DOLE para ipagtanggol sa korte ang NCR Wage Order No. 27.
Ayon sa DOLE, patuloy nitong isinusulong ang Tripartite Roadmap on Freedom of Association upang maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa na mag-organisa at matugunan ang mga kaso ng paglabag sa labor rights.
Nakatakda rin ang National Wages Conference para talakayin ng pamahalaan, mga manggagawa at employer ang pamamaraan sa pagtukoy ng living wage.
Kasabay nito, nire-review ng DOLE ang Department Order No. 174 at pinaigting ang labor inspections at enforcement laban sa labor-only contracting.
Patuloy din ang job fairs, Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD), at DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) para tugunan ang unemployment at underemployment.