Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang kanilang Anti-Cybercrime Group (ACG) para magsagawa ng cyber patrolling.
Ito’y para maalis ang mga larawan at video kaugnay ng nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University sa Zamboanga City kamakalawa.
Ayon sa PNP Chief, nais niyang tiyaking wala nang access ang netizen lalo na ang mga menor de edad hinggil sa mga pangyayari noong Martes.
Nabatid na hindi na-inspeksyon ang baril na ginamit ng suspek dahil inihatid ito lulan ng sasakya ng ama at nag-livestream pa ng ginawang pamamaril sa website na “watchpeopledie.com.”
Kasunod nito, muling umapela si Nartatez sa mga netizen na kung maaari ay huwag nang ipakalat pa ang mga larawan o video ng pangyayari upang hindi na magdulot pa ng takot at pangamba sa publiko lalo na sa mga magulang.