Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang operasyon para tumugon sa pangagailangan ng mga kababayang apektado ng masamang panahon dulot ng Habagat.
Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, patuloy na nakatalaga sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga Police unit upang tumulong sa mga komunidad na nangangailangan.
Binigyang-diin ni Nartatez na prayoridad nila na dalhin ang mga tauhan at resources sa mga lugar kung saan sila higit na kailangan.
Partikular sa mga ikinakasa ng PNP ay ang rescue at evacuation operations, pagtitiyak ng seguridad sa mga evacuation center, clearing operations sa mga kalsadang may bara ng gumuhong lupa at iba pa.
Sa kasalukuyan, aabot sa 180 indibidwal ang nasagip ng PNP sa kanilang mga ikinasang rescue operations at nakatulong din sa 164 relief operations sa gitna ng walang tigil na pag-ulan.
Habang nassa 689 na mga pulis ang minobilisa para magkasa ng libreng sakay para sa mga istranded na pasahero.
📸 PNP

