📷 PCO
Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes na 13 karagdagang pumping station ang nakatakdang itayo at i-upgrade at inaasahang magiging operational sa pagtatapos ng taon o sa unang bahagi ng 2027.
Sinabi ni Pangulong Marcos na kinakailangan ang karagdagang pumping stations dahil sa mga naranasang pagtaas ng volume ng ulan dulot ng climate change.
“Because of climate change, because of the increase in volume of rainfall that has been coming to the Philippines and will come in the future, we are installing additional pumping stations. And those pumping stations are in and around Manila. I think altogether we will have 13 additional pumping stations which we should have in place by the end of this year or the beginning of next year,” ang pahayag ng Pangulo matapos ang ginawang pag-iinspeksyon sa Tripa de Gallina Pumping Station sa Pasay City,
(Dahil sa climate change, dahil sa pagtaas ng dami ng ulan na bumabagsak sa Pilipinas at inaasahang tataas pa sa hinaharap, nag-i-install tayo ng mga karagdagang pumping station. Ang mga pumping station na ito ay ilalagay sa loob at paligid ng Maynila. Sa kabuuan, magkakaroon tayo ng 13 karagdagang pumping station, na inaasahang maitatayo at mapapagana bago matapos ang taong ito o sa simula ng susunod na taon.)
Nasa paligid ng Maynila ang mga karagdagang pumping stations na, ayon sa Pangulo, target na maging operational bago matapos ang taon.
Iginiit ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng patuloy na paglilinis ng mga pumping station at waterways, dahil maaaring bumaba ang efficiency ng mga bomba kapag nababarahan ng basura.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, sa 13 pumping stations na binanggit ng Pangulo, apat ang bagong pumping stations, habang ang iba ay mga kasalukuyang pasilidad na ia-upgrade. | PND