Makikipag-ugnayan ang House prosecution panel sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) upang matukoy ang mga nasa likod ng umano’y pagpapakalat ng pekeng quote card tungkol sa umano’y debate nina House prosecutor Terry Ridon at defense counsel Atty. Michael Poa.
Ayon kay Ridon, itinanggi mismo ni Poa na sinabi niya ang naturang quote.
Nagpasalamat si Ridon kay Poa sa pag-disown sa pekeng pahayag, ngunit sinabi niyang nais pa rin nilang matukoy kung saan nagmula at sino ang nagpalaganap nito.
Aniya, hindi lamang siya kundi maging ang iba pang miyembro ng House prosecution panel ang nagiging target ng umano’y pekeng quote cards.
Sinabi ni Ridon na makikipag-ugnayan sila sa CICC upang matukoy ang mga personalidad sa likod ng naturang mga post at iba pang katulad na insidente.
Binigyang-diin niya na mahalagang matugunan ang pagpapakalat ng fake news upang maiwasan ang information vacuum at matiyak na tama ang impormasyong nakararating sa publiko tungkol sa impeachment proceedings.