Nananatiling naka-full alert ang mga Quick Response Team ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa posibleng epekto ng Typhoon Saudel.
Ito ay inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility sa Linggo, August 23 at tatawaging Bagyong Obet.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spokesperson Irene Dumlao, handa na ang kanilang mga quick response team sa Central Office at sa mga Field Office, pati na ang mga specialized equipment na gagamitin sa pagtugon.
Sinabi ni Dumlao na nasa 3.8 milyong family food packs (FFPs) ang naka-preposisyon na sa buong bansa, at mayroon pang P715 milyon na quick response funds.
Patuloy naman ang pagtugon ng DSWD sa mga pamilyang naapektuhan ng mga bagyong Luis, Maymay, at Neneng, gayundin ng habagat, kung saan umabot na sa mahigit P1 bilyon ang halaga ng tulong na naipamahagi sa mahigit 2 milyong pamilya sa buong bansa. | ulat ni Diane Lear