Photo courtesy of PHIVOLCS
Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Jabonga sa Agusan del Norte kaninang alas-5:12 ng hapon (August 21).
Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa timog-kanluran ng nasabing bayan.
Ito ay may lalim na pitong kilometro, at tectonic ang pinagmulan.
Naitala naman ang Intensity III sa Butuan City at Intensity I sa Mambajao, Camiguin.
Habang Instrumental Intensity II sa Surigao City,Surigao del Norte, habang Instrumental Intensity I sa Cagayan de Oro, Balingasag, at Magsaysay sa Misamis Oriental, gayundin sa San Francisco, Southern Leyte.
Inaasahan naman ang mga aftershock, ngunit walang inaasahang pinsala.