Nilinaw ng House prosecution panel na wala silang planong hilingin ang pagbabago sa two-thirds vote rule para ma-convict si Vice President Sara Duterte.
Ito ang paglilinaw ni legal spokesperson Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. sa mga lumalabas na balita sa kanyang unang naging pahayag sa voting threshold.
Sa halip aniya ay nakatutok sila sa pagbuo ng isang “airtight case” upang makuha ang kinakailangang 16 na boto sa Senado.
Binigyang diin ng abugado, na iginagalang nila ang patakarang itinakda ng Saligang Batas at ng Impeachment Court.
Sa ilalim ng Konstitusyon, kinakailangan ang pagsang-ayon ng two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado upang mahatulang guilty ang isang pampublikong opisyal.
Paliwanag ni Tolosa, itinuturing na “interlocutory order” o hindi pa pinal na kautusan ang naturang ruling, kaya kung may senador man na maghain ng mosyon ay maaari itong muling talakayin ng Kapulungan.