Mas maibibida ng mga mag-aaral ng Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) sa ilalim ng Technical-Vocational Education and Training o TVET ang kanilang talento sa isasagawang World Skills Philippines Clark 2026 ang 21st National Skills Olympics.
Ito ay dahil nakipagtulungan ang TESDA sa online job platform na Jobstreet by SEEK upang mas maihanda ang trainees sa naturang kompetisyon.
Ang kompetisyon ay isasagawa sa September 7 hanggang 11 sa Clark, Pampanga kung saan ang mga masusubok ay may skills sa construction and building technology, manufacturing at engineering, information and communications technology, at iba pa.
Magbibigay ng suporta ang Jobstreet by SEEK na matuloy at lumawak pa ang mga competition training na isinasagawa ng TESDA sa ilalim ng Career Readiness Program.
Magsasagawa din ng career readiness training, at seminars tungkol sa hiring process, paggawa ng CV, at mock job interviews para sa trainees.
Naniniwala naman ang online platform na malaki ang potensyal ng mga Pilipino lalo na pagdating sa global standard. Kaya patuloy silang susuporta sa upang mapaunlad pa ang kabuhayan ng mga Pilipinong mag-aaral.