Screengrab from Ukrainian President Volodymyr Zelensky Facebook Page
Binigyang-diin ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nais ng Kyiv ang kapayapaan ngunit hindi ito susuko sa Russia.
Ginawa ng Ukrainian leader ang pahayag sa gitna ng paggunita ng kanilang bansa sa araw ng kanilang kalayaan nitong Lunes.
Sa kaniyang talumpati, mariing tinanggihan ni Zelensky ang demand ng Moscow na isuko ng Kyiv ang mga teritoryong hawak pa nito sa silangang Donbas region.
Muli ring nanawagan ang opisyal ng karagdagang suporta lalo sa air defense systems upang maprotektahan ang mga siyudad sa Ukraine mula sa missile attacks ng Russia.
Hinikayat din nito ang mga kaalyado na dagdagan pa ang pressure sa Moscow at tumulong na makumbinsi ang Russia na bumalik sa negotiating table.
Maaalalang Pebrero ng 2022 ng ilunsad ng Russia ang malawakang pananakop nito sa Ukraine, na magpasahanggang ngayong ay nagpapatuloy.
Pinaniniwalaang daan-daang libo na ang nasawi sa digmaan, na nakaaapekto hindi lamang sa pandaigdigang suplay ng pagkain kundi maski sa petrolyo.