Photo courtesy of Senate of the Philippines
Muling nag-file ng extension sa kaniyang medical leave sa Senado si Senadora Loren Legarda hanggang Setyembre 2, ayon kay Senate Secretary Renato Bantug Jr.
Ibinahagi ni Bantug na nagpadala ang tanggapan ni Legarda ng abiso nitong Lunes na hindi makakadalo ang senadora sa mga plenary session at sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte mula Agosto 24 hanggang 26 at Setyembre 1 hanggang 2.
Ito na ang ikaapat na linggo ng medical leave ni Legarda matapos ang mga nauna niyang leave noong Agosto 3 hanggang 5, Agosto 11 hanggang 12, at Agosto 17 hanggang 19.
Sa isang panayam nitong weekend, una nang sinabi ni Senador Ping Lacson na “fake news” ang mga ulat na humihingi umano ng asylum si Legarda sa France. Ayon kay Lacson, dati nang nabanggit ni Legarda na mayroon siyang problema sa baga.