Photo courtesy of Senate of the Philippines
Binigyang-diin ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na hindi pa pinal na napagpapasyahan ng Senate Impeachment Court ang planong ilipat sa hapon ang oras ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Escudero, posibleng sa Miyerkules, August 26, sila mag-anunsyo tungkol dito at maaaring sa Setyembre simulang ipatupad kung magkakaroon ng bagong schedule ng paglilitis.
Una nang sinabi ni Senador Ping Lacson na mayorya ng mga senador sa majority bloc ang sumusuporta sa mungkahing ilipat sa hapon ang trial, mula alas-2:30 ng hapon hanggang alas-7:30 ng gabi.
Kung kinakailangan rin, maaari pa aniyang palawigin ang oras ng trial upang magkaroon ng mas mahabang panahon para sa paglilitis.