Tiniyak ng Eastern Police District (EPD) ang pagpapanatili ng seguridad sa San Juan City sa pamamagitan ng round-the-clock inspections sa mga pulis na nakatalaga sa mga sementeryo at iba pang lugar na dinarayo ngayong Undas 2026.
Nitong nagdaang araw, personal na ininspeksyon ni PCol. Francis Allan Reglos, Assistant Chief District Director for Support Services, ang mga police personnel na nakatalaga sa San Juan Cemetery, St. John the Baptist Columbarium, at Santuario del Santo Cristo.
Sinuri nito ang kahandaan at deployment ng mga tauhan, gayundin ang operasyon ng mga Police Assistance Desk.
Pinayuhan din ni Reglos ang mga pulis na manatiling alerto, iwasan ang paggamit ng cellphone habang naka-duty, at tiyaking maayos at maagap ang pagtugon sa pangangailangan ng publiko.
Patuloy ang pagpapatupad ng EPD ng mahigpit na pagbabantay at police visibility upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa paggunita ng Undas 2026.
📸 PNP Eastern Police District