Nakaalerto na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagbabalik ng mga biyahero sa Metro Manila at iba pang urban areas matapos ang Undas 2026.
Ayon kay Acting LTFRB Chairperson Atty. Greg Pua Jr., paiigtingin ang monitoring, kabilang ang random drug testing at inspeksyon sa mga bus, PUV, at terminal.
Nananatili ring aktibo ang mahigit 80 help desk sa mga bus terminal para sa mga reklamo, fare discounts, booking concerns, at pagdagdag ng mga sasakyan upang maiwasan ang mga stranded na pasahero.
Ayon kay Pua, mahigit 1,200 bus ang nabigyan ng special permits para sa Undas.
Patuloy ding mino-monitor ang mga reklamo sa social media, at ang babala na patawan ng legal na aksyon ang mga operator na lalabag sa road safety regulations.