Photo courtesy of LTO
Personal na nag-inspeksyon si LTO Chief Asec. Markus Lacanilao sa deployment area ng ahensya sa SLEX Northbound ngayong Undas.
Ito ay para tiyakin ang daloy ng mga sasakyan at maayos na pagpapatupad ng Oplan Biyaheng Ayos.
Kabilang sa mga isinasagawang operasyon ng LTO ang roadworthiness inspection sa mga pampublikong bus para matiyak na ligtas at nasa maayos na kondisyon ang mga ito bago bumiyahe.
Namamahagi rin ang ahensya ng information materials tungkol sa road safety at mga batas at regulasyon sa trapiko.
Bukod dito, nakahanda rin ang mga tauhan ng LTO na umalalay sa mga pasaherong bibiyahe palabas at papasok ng Metro Manila at tumugon sa kanilang mga pangangailangan.