Pansamantalang nagpatupad ng trafffic scheme sa paligid ng mga sementeryo sa Angono sa Rizal ngayong araw, Nobyembre 2.
Ito’y dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita para gunitain ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong All Souls’ Day.
Narito ang mga pansamantalang pagbabago sa daloy ng trapiko:
Pansamantalang padaraanan ang G. Duavit Ave. o Baytown Road ng pauwi o paakyat lamang mula sa sabungan.
Ang mga paluwas na sasakyan ay pansamantalang maaaring dumaan sa Sunstrip Subdivision.
Ang Edenville Avenue ay mananatiling two-way o madaraanan ng mga sasakyang paluwas at pauwi.
Ibabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa Martes, November 3, 2026, kung saan paluwas lamang ang maaaring dumaan sa Baytown Road.
Hinihikayat ang lahat na sundin ang mga ipatutupad na traffic regulations at makipagtulungan sa mga awtoridad upang maging maayos, ligtas, at mapayapa ang paggunita ng Undas sa bayan ng Angono.