Ito’y base na rin sa panawagan ng nakakarami partikular ang mga senior citizen na hirap sa paglalakad sa pagbisita sa loob ng sementeryo.
Ayon kay Manila North Cemetery Dir. Dandan Tan, hiniling niya sa lokal na pamahalaan ng Maynila na magpadala ng nasa 50 e-trike o tuktok para magkaloob ng libreng sakay.
Aniya, bagamat inaasahan nila na marami ang magtutungo ngayong araw sa Manila North Cemetery, hindi naman ito kasing dami tulad ng kahapon (November 1).
Nabatid na hindi gaya noong nakaraang araw na lahat ay maaaring sumakay, prayoridad sa ngayon ang mga senior citizen, PWDs, mga buntis at mga may kasamang bata.
Iikot ang libreng sakay sa main avenue sa loob ng Manila North Cemeyery kung saan magtutuloy-tuloy ito hanggang mamayang hapon.
Matatandaan na itinigil ang libreng sakay kahapon, Nov. 1 upang hindi makaabala at hindi maging dahilan ng siksikan sa milyun indibidwal na dumagsa sa Manila North Cemetery.