Photo courtesy of PNP Antipolo Component City Police Station
Pinaigting ng Antipolo City Police ang seguridad sa iba’t ibang sementeryo sa lungsod ngayong Undas upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga dumadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Sa buong magdamag, nagsagawa ng police presence at security deployment ang mga tauhan ng Antipolo Component City Police Station sa pangunguna ni Chief of Police PLTCOL Mark Henry Garcia.
Estratehikong inilagay ang mga pulis sa iba’t ibang sementeryo upang magbantay, tumulong sa mga bisita, mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, at maiwasan ang posibleng insidente ng kriminalidad.
Bahagi ito ng pinaigting na hakbang ng kapulisan upang matiyak ang maayos at ligtas na paggunita sa Undas.
Tiniyak naman ng Antipolo City Police na magpapatuloy ang kanilang pagbabantay upang maprotektahan ang publiko at mapanatili ang kaayusan sa lungsod ngayong Undas.