Nagkasundo ang pamahalaan at Meta na palakasin ang kooperasyon laban sa disinformation, harmful content, at mga banta ng karahasan sa internet, partikular sa mga kabataan.
Resulta ito ng pagpupulong nina Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda at mga opisyal ng Meta, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang proteksyon sa mga bata at kabataan online.
Kabilang sa mga napagkasunduan ang pagbuo ng technical working group para mapabilis ang koordinasyon at pagtugon sa harmful content, at pagtatalaga ng Meta ng contact point para sa direktang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas.
Muling tiniyak ng Meta ang zero-tolerance policy laban sa child sexual abuse and exploitation material at ang patuloy na pakikipagtulungan sa law enforcers sa mga imbestigasyon, lalo na sa mga kasong may agarang panganib sa mga bata.
Magtutulungan din ang pamahalaan at Meta sa pagpapalakas ng digital literacy at paglaban sa disinformation at harmful content. Nakatakda ring bumisita sa Maynila ang mga kinatawan ng Meta para maisapormal ang cooperation framework.
📸 DICT
