Umabot na sa 200.25 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam hanggang kaninang alas-9 ng umaga ngayong Agosto 31.
Ayon sa Maynilad Water Services, nakatulong ang mga pag-ulan nitong mga nakaraang araw sa patuloy na pagtaas ng water level ng dam.
Gayunman, nanawagan pa rin ang Maynilad sa publiko na gumamit ng tubig nang responsable at agad i-report ang mga nakikitang tagas sa kalsada.
Sinabi ng Maynilad, na kailangan ang patuloy na pagdagdag ng tubig sa Angat Dam sa mga susunod na buwan upang mapanatili ang sapat na water reserve bago ang mas tuyong panahon.
Ayon sa DOST-PAGASA, umiiral ang moderate El Niño sa tropical Pacific at inaasahang magpapatuloy hanggang unang bahagi ng 2027, na maaaring magdulot ng mas kaunting pag-ulan.
Patuloy na mino-monitor ng Maynilad ang sitwasyon at nagpapatupad ng mga hakbang upang mapangalagaan ang water supply, kabilang ang paggamit ng alternative water sources at water loss reduction.