Photo courtesy | Office of the Prime Minister and Council of Ministers - Nepal
Isa sa matinding tinututukan ngayon ng Nepali rescuers, katuwang ang ilang eksperto mula China at India, ang daan-daang manggagawa na pinaniniwalang na-trap sa mga nasarahang tunnels ng hydropower projects sa Nepal-Tibet region matapos ang matinding flash flood noong nakaraang linggo.
Ayon sa Nepali officials, target ng operasyon ang lampas sa 900 manggagawa na pinaniniwalaang nasa loob ng anim na tunnels sa mga distrito ng Rasuwa at Nuwakot nang mangyari ang trahedya.
Bukod sa mga equipment at mano-manong paghuhukay, gumagamit na rin ng controlled explosives ang mga rescuer makalikha lamang ng daan sa mga nabarahang lagusan.
Samantala, hanggang nitong Lunes, aabot na sa humigit 900 ang bilang ng mga nasawi habang lampas 4,200, kabilang ang humigit 900 na bilang ng mga manggagawa sa tunnels, ang kasalukuyan pa ring pinaghahanap.
Daan-daang labi, karamihan mga walang pang pagkakakilanlan, ang sinimulan na ring ilibing dahil sa dekomposisyon ng mga ito.
Patuloy rin ang pagdating ng mga humanitarian assistance sa Nepal-Tibet region para sa mga naapektuhan ng trahedya.