Pinaigting ng Department of Education (DepEd) ang kampanya laban sa bullying, pananakit, at pananakot sa mga paaralan.
Ito ay sa pamamagitan ng mas istriktong parusa gaya ng non-readmission, pagkakatanggal sa paaralan, at referral sa mga awtoridad.
Nakapaloob ito sa DepEd Order No. 006, series of 2026, o ang Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, bibigyan ng pagkakataong magbago ang mga mag-aaral, pero hindi ikokompromiso ang kaligtasan ng nakararami.
Ipatutupad aniya ang pinakamabigat na parusa sa mga gagamit ng dahas, magdadala ng patalim o baril, o patuloy na mambu-bully.
Nakatakda ang parusa batay sa antas ng paglabag — reprimand at counseling sa minor infractions; suspension at referral sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga serious offense gaya ng paulit-ulit na bullying at online harassment; at non-readmission para sa high-risk acts gaya ng matinding pananakit, at bomb threat, .
Habang sa non-readmission, matatapos pa rin ng estudyante ang kasalukuyang taong panuruan ngunit hindi na makapag-eenroll sa susunod na school year.
At sa exclusion, agad siyang tatanggalin sa talaan at ituloy na lamang ang pag-aaral sa alternative educational interventions.

