Naglabas ng Executive Order No. 33 si Manila Mayor Isko Moreno na nagbabawal sa pagbebenta at pag-inom ng alak sa paligid ng mga bar testing center sa Maynila.
Ayon kay Manila City Mayor Moreno, ito ay bilang suporta sa mga bar examinees at upang mapanatili ang katahimikan, kaayusan at seguridad sa paligid ng mga testing center para makapag-focus nang maayos ang mga examinees.
Ipatutupad ang liquor ban sa loob ng 500-meter radius ng University of Santo Tomas (UST) at San Beda University sa September 6, 9 at 13, 2026.
Hinihiling ng alkalde ang pakikiisa at pang-unawa ng publiko.
Ipinagdasal din ni Yorme ang tagumpay ng mga bar examinees at nangakong nasa likod nila ang pamahalaang lungsod ng Maynila.