Iniutos na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Juan Miguel Cuna ang mas pinaigting na paggamit ng science at technology sa monitoring at proteksyon ng mga kagubatan at watershed sa bansa.
Kasunod ito ng malalang debris flow at flash flood sa Nepal na ikinasawi ng daan-daang indibidwal.
Ayon sa kalihim, mahalaga ang maagap na impormasyon at mabilis na aksyon para mabawasan ang panganib sa mga komunidad na nasa downstream areas.
Dapat din aniyang magsimula sa upstream areas ang mitigation sa pamamagitan ng pangangalaga sa kagubatan, pagtukoy sa mga geohazard, at maayos na land-use planning.
Dahil dito, palalakasin aniya ng DENR ang paggamit ng drones, satellite imagery, at near-real-time forest disturbance alert systems para mas maagang matukoy ang mga banta at mapabilis ang pagtugon sa mga lugar na mahirap puntahan.
Kasabay nito, tiniyak ng DENR ang patuloy na pagpapatupad ng environmental laws laban sa illegal mining, logging, at iba pang aktibidad na nakapipinsala sa ecosystems.
Sa datos ng DENR, nakapag-isyu na ito ng 93 cease-and-desist orders laban sa mining companies na lumalabag o hindi sumusunod sa mga environmental requirements.