Pormal nang nilagdaan nina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Commission on Filipinos Overseas o CFO Secretary Dante Francis M. Ang II ang Memorandum of Agreement para sa localization at implementasyon ng BaLinkBayan website o portal sa Lungsod ng Maynila.
Layunin ng kasunduan na palakasin ang ugnayan ng pamahalaang lungsod at mga overseas Manileño, at magbigay ng accessible at mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa investment, philanthropy, skills transfer, at mga serbisyo ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng BaLinkBayan, mas mapadadali ang pakikilahok ng mga overseas Filipino sa mga oportunidad sa negosyo, pamumuhunan, turismo, pagkakawanggawa, at iba pang programang pangkaunlaran ng Maynila.
Ang partnership na ito ay hakbang tungo sa mas matibay at pangmatagalang ugnayan ng mga overseas Manileño at kanilang mga komunidad sa Maynila, para sa patuloy na panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad.