Pinangunahan ni Labor Secretary Francis N. Tolentino ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng Department of Labor and Employment o DOLE, kasabay ng kanilang lingguhang flag-raising ceremony sa Central Office nito sa Intramuros, Manila, nitong September 7.
Isinagawa ang seremonya sa pangunguna ng Employees’ Compensation Commission o ECC, bilang bahagi ng paninindigan ng DOLE sa integridad, pagkakaisa, at pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino.
Nanumpa bilang bagong miyembro ng National Wages and Productivity Commission o NWPC, na kumakatawan sa employers’ sector, si Atty. Juan Victor R. Llamas.
Nanumpa rin si Jorge B. Sabiña bilang kinatawan ng mga non-government organization na may mga programang laban sa child labor sa National Council Against Child Labor o NCACL.
Ipinahayag ng dalawang bagong opisyal ang kanilang dedikasyon sa serbisyo publiko at pangakong isulong ang isang masigla at ligtas na labor economy.
Samantala, binati sila ni Secretary Tolentino at hinikayat na panatilihin ang integridad, commitment, at katatagan sa paglilingkod sa mga manggagawa at employer.
Ayon kay Tolentino, umaasa siyang magiging makabuluhan ang kanilang termino at magsisilbi itong “ray of sun” na magbibigay ng proteksiyon sa mga manggagawa at employer.
Hinimok din niya ang mga bagong opisyal na ipakita ang sigasig, giting, integridad, commitment, at tibay ng loob sa kanilang panunungkulan.