Personal na ininspeksyon ni Executive Secretary Ralph Recto ang ongoing construction ng Bukidnon Airport sa Don Carlos, sa harap ng paghahanda ng Marcos administration na maglaan ng karagdagang PhP300 million sa proyekto, sa ilalim ng 2027 national budget, upang agad na makumpleto ang proyekto sa susunod na taon.
Ang bagong paliparan ay designed upang maka-accommodate ng jet aircraft at mabigyan ang Bukidnon ng direct connection sa major economic at tourism centers sa bansa.
Ang proyekto ay kinabibilangan ng runway na may haba na 2,100 meters at 45 meters wide, dalawang stub taxiways, at isang 43,050-square-meter apron na kayang mag-accommodate ng anim na aircraft.
Kabilang din dito ang 3,600-square-meter passenger terminal building na kayang mag-accommodate ng nasa 425 passengers.
“President Marcos wants the Bukidnon Airport completed by 2027 so it can begin creating jobs, attracting investments and bringing more tourists to the province,” —Recto.
Sa kabuuan, ang proyektong ito ay napaglaanan na ng PhP3.17 billion.
“Of this amount, P1.360 billion has been allocated under the Marcos administration.” —OES.
Sabi ni Recto, hindi hahayaan ng pamahalaan na maging isa na namang proyektong matagal nang hinihintay ngunit hindi matapos-tapos ang Bukidnon Airport.
“Ang atas ng Pangulong Marcos ay tapusin ang paliparan at buksan ito sa lalong madaling panahon.” —Recto.