Susuportahan ni House Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua sa posibleng pagsasagawa ng Korte Suprema (SC) ng motu proprio inquiry kaugnay ng mga kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte laban sa hudikatura.
Maaalalang ginawa ni Duterte ang mga naturang pahayag noong Sabado, Setyembre 5, sa labas ng Quezon City Hall of Justice bago maghain ng piyansa para sa kanyang mga kasong grave threats.
Ayon sa Bise Presidente, nawalan na siya ng tiwala sa mga korte at sa pulisya.
Tugon ni Chua, ang mga pahayag ni Duterte ay isang “sweeping statement” na nagpapakita ng kawalan ng tiwala hanggang sa pinakamataas na antas ng hudikatura.
Conflicting statement din umano ito nang sabihin niya na korte lamang sa Pilipinas ang dapat lumitis sa kaso ng kanyang ama at hindi ang International Criminal Court.
Ipinauubaya ni Chua sa hudikatura na imbestigahan ang mga pahayag ng bise laban sa kanilang hanay.