Tinatayang aabot sa mahigit 98,000 lokal at overseas na oportunidad sa trabaho ang naghihintay sa mga Pilipino sa Handog ng Pangulo Trabaho Agad Job Fairs 2026 na pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa iba’t ibang panig ng bansa ngayong September.
Ayon sa ahensya, isasagawa ang job fairs sa iba’t ibang rehiyon hanggang September 16, kung saan layunin nitong mapalapit ang mga naghahanap ng trabaho sa mga employer. Bukod sa libu-libong bakanteng posisyon, magkakaroon din ng one-stop shop para sa pagproseso ng mga kinakailangang pre-employment documents mula sa NBI, SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.
Hinikayat naman ni DOLE Secretary Francis Tolentino ang lahat ng jobseekers na samantalahin ang programa.
Huwag ding kalimutang magdala ng updated résumé at valid ID upang makapag-apply at magkaroon ng pagkakataong ma-hired on the spot.