Apat na kumpanya mula sa India ang nagpahayag ng kasiyahan sa polisiyang pang-ekonomiya na ipinatutupad ng Marcos Administration.
Tinukoy ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque ang mga ito na Cognizant, VVDN Technologies, Hinduja Group, at HCLTech na kung saan ay nakapulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga executives ng nabanggit na mga kumpanya sa isang Executive Roundtable Discussion.
Ayon kay Roque, ang apat na nabanggit na kumpanya ay mayroon nang operasyon sa Pilipinas at nagpahayag ng pagnanais na magkaroon ng expansion sa kanilang negosyo.
Nasa larangan ng digitalization, AI, telecommunications, at iba pang technology industry ang apat na nasabing Indian company na ani Roque ay nagsabing best destination for trade and business ang Pilipinas.
Nakapulong din ng Pangulo ang iSON Group na nasa larangan ng agrotechnology, healthcare — NPCI International Limited na nasa digital payments at ang GMR Group, gayundin ang mga kinatawan ng Cavitex Holdings upang isulong ang pagpapaunlad ng Sangley Point International Airport project.