Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ilang business deals ang naging bunga ng kanyang naging biyahe sa New Delhi nitong nakaraang dalawang araw.
Sa kapihan with media, inihayag ng Punong Ehekutibo na ilang business deals ang naselyuhan kasunod ng kanyang naging pakikipagpulong sa ilang business executives sa India.
Ayon sa Pangulo, may mga business leaders sa India na may mga negosyo na sa Pilipinas ang nagpahayag na manatili at palawakin pa ang kanilang investment sa bansa.
Sa kabilang dakoy nagpahayag naman ayon sa Pangulo ng kanilang interes at plano ang ilang Indian business leaders na maglagak ng kanilang pagnenegosyo sa bansa.
Ilan sa naiulat na mga kumpanya na nangakong mamuhunan ng $75 million dollar investment sa bansa ay ang iSON Group na sa projection ay maaaring makalikha ng humigit-kumulang sa 2,000 trabaho sa Pilipinas.
Mayroon ding kumpanya na nagpahayag ng interes na maglagak ng kanilang negosyo na nasa larangan ng imprastraktura, health care, digital payments, aviation, artificial intelligence, at telekomunikasyon.