Nagsagawa ng Bisto Proyekto Assessment ang Department of Public Works and Highway kasama ang mga volunteer sa punong tanggapan ng DPWH sa Maynila.
Layon nito na paigtingin ang transparency kung saan tutulong ang publiko para mabisto ang mga delay at substandard na proyekto.
Sa nagpapatuloy na pulong balitaan, nakatuon ang usapin pagpapanatili at epektibong pakikilahok ng mamamayan sa inspeksyon ng public infrastructure project.
Kabilang sa mga dumalo ngayong araw (September 16) ay ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan tulad ni DPWH Secretary Vince Dizon, mga undersecretary ng DPWH, district engineer, citizen volunteer at civil societies organization, pribadong mamamayan, at developer partners.
Noong February 21, 2026 noong unang ilunsad ang Bisto Proyekto sa Adamson University.