Ipinagmalaki ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) na lalo pang napagtuunan ng pansin at naipatupad ang mga kinakailangang reporma at pagbabago sa Community Mortgage Program (CMP) sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay SHFC President Frederico Laxa, mas maraming benepisyaryong informal settler families ang natulungan na ng pamahalaan sa pamamagitan ng Community Mortgage Program upang magkaroon sila ng kakayahan na mabili ang kanilang lupang inokupa.
Bukod sa community mortgage loans ng SHFC ay ilang mga programa pa ang idinagdag nito tulad ng pagsasaayos ng mga drainage at daanan gayundin ang libreng pagpapa-titulo ng lupa sa mga benepisyaryo.
Sa ngayon nasa higit 1,800 na titulo na ang naipamahagi sa mga benepisyaryo na testament ng matagumpay na kampanya ng administrasyong Marcos na mabigyan ng disenteng tahanan ang bawat Pilipino.