Mas mahalaga kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kakayahan at puso sa pagsi-serbisyo sa mga Pilipino, tuwing pumipili ito ng mga itatalaga sa gobyerno.
Pahayag ito ni Communications Undersecretary Claire Castro kasunod ng appointment kay RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy, bilang assistant secretary sa ilalim ng Office of the Cabinet Secretary.
“Even before sinabi po natin na ang Pangulo po ay hindi tumitingin sa kulay. Kung kayo po ay makikitang magiging asset sa gobyerno para mas maging maganda ang serbisyo ng isang ahensiya hindi po mag-aatubili ang Pangulo na kayo ay kunin.” -Castro
Ayon kay Castro, hindi tinitingnan ni Pangulong Marcos ang kulay o political affiliation ng isang indibidwal.
Kung nakikita aniya ng Pangulo na magiging asset sa gobyerno ang isang indibidwal, hindi ito magdadalawang-isip na bigyang ito ng papel sa gobyerno.
“Provided na ang puso po ninyo kahit anong inyong kulay dapat ay sa taumbayan at sa bansa hindi sa isang tao o sa isang dati ninyong tinataguyod. So, dapat ang focus ay bansa at ang taumbayan.” -Castro