Photo courtesy of ASEAN 2026 PH
Ginamit ng Pilipinas ang ASEAN Ministerial Conference on Disaster Resilience, upang ipanawagan ang isinusulong ng Marcos administration na mas mahigpit na balikatan ng mga bansang sa South East Asia, laban sa epekto ng mga kalamidad o sakuna.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ang Pilipinas, patuloy na pinalalakas ang disaster preparedness, early warning systems, at anticipatory action nito.
Kabalikat nito ng patuloy na pagpapaigting ng koordinasyon at mutual assistance sa mga bansang kasapi ng ASEAN.
Ang panawagan na ito ni Recto ay kasabay ng 20th anniversary ng ASEAN Agreement on Disaster Management and Emergency Response (AADMER).
Binigyang-diin ng kalihim na ang katatagan ay isang shared responsibility, kaya’t dapat na maging handa ang rehiyon, hindi lamang sa mga hamon sa kasalukuyan, bagkus, maging sa mga hamon sa hinaharap.
“Together, let us build an ASEAN that is not only prepared for the challenges we face today, but also capable of meeting the risks we have yet to imagine.” – Recto.