Umabot na sa mahigit 31,000 ang work immersion slots na inilaan ng iba’t-ibang industriya para sa mga mag-aaral ng Senior High School.
Ayon sa Department of Education (DepEd), katumbas ito ng mahigit 60% ng target nilang 50,000 slots sa mahigit 1,100 iba’t ibang uri ng trabaho.
Ito ay bunga ng DepEd-Industry Dialogue, kung saan nagtipon ang mahigit 170 lider at kinatawan mula sa pamahalaan at sa mga pangunahing sektor ng ekonomiya.
Kabilang dito ang manufacturing, semiconductors, IT-BPM, healthcare, konstruksyon, automotive, enerhiya, lohistika, agribusiness, at turismo.
Binigyaan diin ni Education Secretary Sonny Angara, dapat pumasok sa hanay ng manggagawa ang mga nagtapos na may tunay na karanasan at kakayahan.
Dagdag pa ng ahensu, ang mga entry-level na trabaho ngayon ay nangangailangan na ng mas kumplikadong pagpapasya, critical thinking, at digital skills.
Samantala, isusunod naman ng DepEd ang mga talakayan sa bawat cluster ng industriya upang matukoy ang mga bagong posisyon sa trabaho at ma-update ang mga alituntunin sa work immersion. | ulat ni Diane Lear