Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng ilan sa mga nasa likod ng mga insidente karahasan sa kauna-unahan at makasaysayang Parliamentary Elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Naratatez Jr., nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon at case build-up ang PNP sa mga taong sangkot at inaasahan niyang maisasampa ang mga kaso sa lalong madaling panahon.
Pagtitiyak ng PNP Chief, buo ang kanilang determinasyon na papanagutin ang mga nasa likod ng pamamaril at iba pang insidente na gumulo sa kapayapaan at kaayusan sa ilang bahagi ng rehiyon.
Nabatid na noong eleksyon sa BARMM, naiulat ang mga pamamaril at pagsabog sa Basilan, Lungsod ng Cotabato, at Maguindanao del Sur.
Isang improvised explosive device (IED) din ang na-recover sa Basilan.
Samantala, tiniyak naman ni Nartatez, na nakatutok ngayon ang pulisya sa proklamasyon at iba pang aktibidad pagkatapos ng eleksyon hanggang sa maging normal ang sitwasyon.