Sisimulan na ngayong araw ang Regionwide Awareness Campaign ng Unified Emergency Hotline 911 sa mga paaralan sa Western Visayas.
Ito’y ayon Police Regional Office 6 ay sa pakikpagtulungan nila sa Department of Education (DepEd).
Ayon kay PRO 6 Director, Police Brigadier General Randulf Tuaño, dadalhin nila ang 911 advocacy campaign sa mga paaralan sa pamamagitan ng Unified 911 ballers at pagpapakalat ng information, education, and communication materials sa mga paaralan, at komunidad
Layon nito na maipaunawa sa mga mag-aaral at school personnel kung kailan dapat gamitin ang 911.

Gayundin kung anong mga impormasyon ang dapat ibigay sa emergency call at paano sila mahahatiran ng kinakailangang tulong.
Samantala, tiniyak naman ng DepEd ang kanilang suporta sa kampanya ng PRO 6 at nakatakda silang maglabas ng guidelines sa mga paaralan para sa pagpapatupad ng programa.