Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa paghahanda para sa Undas 2026, kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa mga sementeryo.
Pinangunahan ni Secretary to the Mayor Manuel Zarcal ang pagpupulong ng mga pangunahing tanggapan ng lungsod para sa seguridad, daloy ng trapiko, fire safety, kalusugan, at emergency response.
Kabilang sa mga nakatutok sa paghahanda sina Manila Traffic and Parking Bureau Officer-in-Charge Dennis Viaje, Manila Police District District Director BGen. Atty. Arnold Santiago at Manila District Fire Marshal FFSUPT. Eddie Tanawan.
Nakahanda rin ang Manila Health Department (MHD) at Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department (MCDRRMD) para sa medical at emergency assistance.
Kasama rin sa preparasyon ang kalinisan, sapat na ilaw at kaayusan sa Manila North Cemetery at Manila South Cemetery upang matiyak ang ligtas at organisadong paggunita ng Undas sa lungsod.
📸 Manila LGU

