Creative Economy ng Pilipinas, lalago pa ngayong taon
Tiwala ang ASEAN Business Advisory Council na lalago pa ang halaga ng creative economy ng Pilipinas ngayong taon.
Ayon kay ASEAN BAC Philippines Senior Adviser Junnie Del Mundo, posibleng mahigitan nito ang ₱2.12 trillion na halaga ng creative economy noong nakaraang taon.
Isa aniya sa pinakamalaking dahilan ng paglago ng creative economy ngayong taon ay ang animation at game development, kung saan may malaking ambag dito ang outsourcing.
Para mas kumita at mas lumago ang animation at game development sa Pilipinas, kailangan aniyang gumawa ang local companies ng sariling orihinal na content na maaaring ma-copyright.